Uncategorized

Salamat

Minsan napapaisip na lang, eto ba ang gusto ko?
Nakakatawa tuwing maaalala,
Masakit noon, mas masakit ngayon,
Bakit nga ba masakit? Pabigat ng pabigat, hindi ko na ata kaya…
Paulit ulit, mga bagay na nakakasakit, hindi na ko nasanay
Iiyak ng iiyak, hanggang sipon ay tumulo at mapagod ang mata, makatulog ng pilit
Pag gising, kalahating oras ang nakalipas,
Masakit pa din po. Mabigat ang dibdib, ayan na naman ang luha
Idaan sa hikbi, mahihina ngunit malalim na buntong hininga
Hindi ko mapigilan ang mga luha
Andito ka pa ba?  Andito pa ba ako?
Anong nangyari? Alam ko naman ang sagot… ARAY!
Sana, ako lang ang nahihirapan
Sana, ako lang ang lumuluha sa pagtulog
Sana, ako lang ang nahihirapang huminga sa sobrang bigat ng dbdib
Sana, ako lang.. Ako na lang… Ayaw kitang masaktan, di bale ng ako na lang lahat
Sakin lang lahat ng sakit,
Mas masasaktan kasi ako na  malamang nasasaktan ka
Okay lang kung hindi
Katulad ng hindi mo alam kung gaano na ako kadurog
Durog na durog na po ang puso ko
Sa tuwing.. sa mga pagkakataon na hindi mo sinasadya
Bakit lahat na lang hindi  mo alam?
Gusto kong tumawa na lang at lumakad palayo
Pero, hindi ko kayang lumakad.. lumakad papalayo sayo
Hindi pa sa ngayon, hindi… Hindi ko kakayanin.
Di bale ng ganito, kasama ka..
Ang taong dumudugrog ng puso ko
Ang taong palagi kong inaalala
Ang taong uunahin ko, una sa sarili ko
Ang taong walang makakapantay
Masakit lang talaga tanggapin na
“I am not and never will be your PRIORITY”
Ang dami ko kasing kaagaw sayo eh
Madalas, napapatanong na lang, “naaalala kaya nya ko pag hindi kame magkasama?”
Sino nga ba ako, “girlfriend mo lang naman ako diba?”, pag magkasama tayo.
Ansakit sakit magmahal, lalo na ng taong perpekto
Minsan, mahal na mahal ka, ayaw ka bitawan,
Madalas nakahawak kasi nakasanayan, pero ang totoo…
Ano nga ba ang totoo?
Sana dumating yun araw na hindi na ko nagtatanong
walang ng luha, wala ng sakit, wala ng buntong hininga
wala ng tanong tanong
Sana pag dumating yun araw na yun,
Ikaw pa din ang kasama ko
Pero kung hindi, sana, kung nakanino man nakahawak ang mga kamay mo,
Sana masaya kayo
Yung kasiyahan na hindi ko maibigay, makita mo na sana sa kanya
Pag dumating yun tao na yun,
Bibitawan na kita, hindi kita papahirapan, pangako
Kung san ka masaya, don ka
Kung saan ka masaya, doon ako
Kahit hindi na ako ang kasama mo

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s